Monday, December 10, 2018

If Only


I dreamt of us yesterday.

Tayo.

Ikaw at ako.

Like seriously, di ko rin alam kung bakit o paano pero oo naging tayo- Naging tayo sa panaginip ko.

Ang saya nga e. Tinanggap mo daw ako. As if- Hahaha. Joke. Pero sa panaginip lang naman e. Lahat naman tayo libre managinip. Miski ikaw. Kaya 'yon... honestly, di ko na tanda kung anong mga nangyari. Basta ang alam ko, lahat ng ugali na ipinakita mo sa akin bilang kaibigan ko, like yung kabaitan mo, mas naging triple nung naging tayo. Napapaisip nalang ako that time na ako na yung pinakamaswerteng babae kasi napili mo ko, kasi pinili mo ko- tinanggap mo ko. Feeling ko nga nakangiti ako habang natutulog e. Hahahaha. Pero wala namang sinabi sina mama so hindi.

Nakakapangsisi lang talaga na hindi ko siya sinulat kaagad lahat ng nangyari nung nagising ako (sa -katotohanan) edi sana nababalik-balikan ko siya at mapangiti kapag binasa ko ng paulit-ulit. 

Di na ko magtataka kung bakit napanaginipan kita ngayon kasi miss na kita e. As friend lang naman. Pero syempre di halata kasi ganito yung panaginip ko. HAHAHAHAHA. Ayun, sana okay ka lang. Oh, congrats nga pala since napromote ka daw. Heh. Alam ko namang mangyayari yan kasi ikaw yan e.

Anyway, take care of yourself always, special someone.