Wednesday, October 19, 2016

Last Day with Him (I hope not)


Di talaga ako makapaniwalang huling araw ko na siya kasama siya. Bakit ba naman kasing kailangan pa naming magreshuffle sa huling semester ng klase namin. Hays. Di ko alam kung bakit pero ayoko... Ayoko ng mahiwalay sa kanya. Di ko alam kung bakit bumabalik nanaman 'tong nararamdaman ko pero wala e, heto nanaman ako nahuhulog. Alam kong never niya akong masasalo pero wala namang masamang umasa.. ng kahit konti. Alam kong may care siya kahit konti kaya sapat na yun, sapat na mga panahong naramdaman kong concern siya saken. Di ko naman kailangan ng buong pagmamahal niya e (although mas okay kung yun), kuntento na ko ng nakikita siya at nakakasama siya.

Last day, natutuwa din ako kasi parang binigyan talaga ako ni God ng chance na makasama siya ng matagal? Not sure, pero sana nga, (dabest talaga si God! Thank You so much!) since naging magkagroup kami sa isang subject namin at nagroleplay kami bilang mag-asawa which is... never nangyari ever since maging classmates kami nung highschool. Gwapo siya, matangkad, payat- mas maraming babagay sa kanya di gaya ko. Para saken, out of reach talaga ang isang gaya niya. I'm not exaggerating things. Nope. Kung pagtatabihin kaming dalawa, mas magmumukha akong nanay niya kesa asawa.. so yeah, hope you get my point there. (Sighs.) Anyway, the play wasn't a success. Nadisappoint si Ma'am and medyo mababa ang nakuha naming score but for me, it's still the best. I became his partner in a play. Nahawakan ko yung kamay niya (plus yung kamay nung slightly-crush ko na classmate namin).

And it's been a long time since nagkasama kami ng kaming dalawa lang.

Naaalala ko pa nung time na yun, hindi naman ako kinakabahan pero feeling ko sasabog ako sa sobrang saya. Di ako makapaniwalang aayain niya ako kung pwede naman yung mas close niya kesa saken na sumama sa kanya (nagtanong lang kami sa teacher namin- yun lang). Kung iisipin, yung last time na nangyari yun ay nung magkasama kaming pumunta sa bahay nung kaibigan ko for overnight at ang sumunod na last last time ay nung... first year highschool kami, before niya nalaman yung feelings ko at iwasan ako. Muntik akong mahulog sa hagdan dahil nadulas ako pero buti nalang hindi talaga nangyari or else hindi ko matatype 'to ngayon. Naramdaman ko din nung time na yun yung mga kamay niya sa braso ko ng hawakan niya ko kung sakali mang mahulog talaga ako (does this mean hinahawakan niya yung nararamdaman ko ng mahulog ako? dejoke). My heart beats so fast from the shock and at the same time, i can only feel his hand in my arm. Tinawanan ko lang yun para itago yung nararamdaman ko tapos bumaba na kami.

Actually kinocompute namin (naming dalawa) yung grades namin para sa presentation kaya mas marami kaming chance para magkausap pa.

Fast forward.

So inabot kami ng gabi dahil lang dun and pagbaba namin para ipasa yung computed grades, sobrang nakakadisappoint kasi mali yung ginawa namin.

(Though naging reason yun kung bakit mas matagal ko pa siyang nakasama.)

Inutusan din ako ng prof namin para tulungan siya sa grades namin so yun, no choice ako kundi sumunod at paghintayin mga kaibigan ko (at siya) sa labas. Hindi rin nagtagal ay kinailangan ko ng tulong.

It wasn't supposed to be him- pero dahil sa maganda sulat niya (mas maganda pa sa sulat ko actually), siya nagsulat ng average habang dinidikta ko sa kanya. AND GODDAMMIT LET ME SPAZZ HERE FOR A FEW MINUTES BECAUSE I'M TOO FUCKING CLOSE I THINK MY HEART WAS GONNA BURST OUT OF MY CHEST THAT TIME. HE SMELLS SO GOOD (HE ALWAYS SMELLS SO GOOD NOT THAT I'M SMELLING HIM). HIS SIDE PROFILE LOOKS SO DAMN NICE THAT I WANT TO CUP HIS FACE AND PRESS MY LIPS ON HIS CHEEKS. THEN HIS HAIR, I HAVE THIS URGE TO RUN MY FINGERS THROUGH IT AND AIDJIDNDOD I WANT TO WRAP MY ARMS AROUND HIS WAIST AND PULL HIM CLOSE TO ME. I WANT HIM TO BE MINE. But I know I can't so I settled on staring at him creepily (which i hope he didn't notice) habang sinusulat niya yung grades. That was one of my best moments with him. Hays. I've been so nervous but conscious at the same time because what if bad breath ako, or what if I'm so painfully obvious and naaawkward-an na siya? God. Di ko talaga alam gagawin ko that time but to go with the flow. I never shared this with my friends dahil alam ko na magiging reaction nila. Of course they'll be happy for me, but then, I don't know. Parang may kulang pa rin so yun. I don't remember the going home part that much but I think we went home together too... But of course, with our friends. Sa sobrang saya ko nung araw na yun, hindi ko mapigilang hindi kiligin kahit na naglalakad ako sa gitna ng maraming tao habang binabalikan yung mga nangyari. It might have been the last day I'll get to be with him, but I surely know everything happened that day made me feel sated and contented.


(Tadaaaaa. I kept his nametag without him knowing about it. Hahahahaha. Pinulot ko lang 'to after niyang iwan kung saan. I'm such a creep. But well, I'm always like this. Ano bang bago.)






Saturday, September 10, 2016

Twentieth Year of my Life


August 29.

Ang araw kung kelan isinilang ako ng nanay ko sa mundong ito. Napaka-espesyal hindi ba? Hehe.

But kidding aside.

Birthday ko talaga nung time na 'to. And I can say that it became one of my best birthdays ever.

Like sino bang hindi matutuwa? Yung love of your life mo, present crush and bestfriend mo e kasama mo ng araw na yun. As in lahat sila pumunta ng birthday ko. Actually di talaga makakapunta yung bestfriend ko kung hindi dahil kay loml, (since classmate din naming dalawa yun nung highschool and naa-awkward-an siya dahil halos lahat hindi niya naging kaklase, kumbaga feeling op ba) kaya sobrang nagpapasalamat talaga ako kasi chinat niya talaga bestfriend ko para lang makapunta and buti nalang malapit lang bahay niya-- kumbaga sa kabilang side lang ng ilog. Sobra-sobrang napasaya niya- I mean nila ako.  Plus yung mga college best friends ko. Akalain mo bang iimbitahin din nila si crush? Though si bae talaga may pakana since hindi rin alam ng iba na may gusto ako dun. Di ko talaga ineexpect yun kaya sobrang nagulat ako. Pati puso ko that time nashook din e sa sobrang bilis ng tibok. Naaalala ko pa nga yung lamig ng pawis at kamay ko e. Hahaha.

Ang ingay nila grabe. Hahahahaha. Pero who cares, sobrang nag-enjoy naman ako kasama sila.

Kainan, tawanan, kwentuhan, selfie-selfie tas kain ulit. Though hindi kagaya nung dati na may karaoke pa (courtesy of him), masaya namang nagtapos ang araw ng birthday ko.

Habang naglalakad kami- well, sila papuntang sakayan, (sumama lang naman ako paghatid sa kanila), kasabayan namin siyang maglakad ng bestfriend ko since op nga siya sa iba. Yun nga lang tahimik siya at kami lang ng bestfriend ko ang nag-uusap.

Pagdating naman sa sakayan- well, una naming sinakay yung mga college friends ko since kabilang way sila. After nilang makasakay, naiwan kami ng bestfriend ko, si crush at siya. Awkward nga eh. Parehas kasing silang tahimik at walang kibo, well malamang si crush naman ang op since ako lang kilala niya (tho kakilala niya si loml dahil alam niya na siya ang gusto ko) samantalang kami ni bestfriend ay nag-uusap pa rin. Matagal-tagal na antayan din ng jeep. Tumawid lang sila nung may dumaan na jeep since ayon, maiiwan akong mag-isa.

Di naman sa magdadrama ako pero ayun nga, nalungkot ako nung nakita ko na silang sumakay ng jeep. Nagbabye pa nga ako sa kanila habang umaandar yung jeep hanggang sa lumayo na sila sa akin at dun na nga nagtapos ang masayang araw ko-- well, not really since pangiti ngiti pa rin ako habang naglalakad papuntang sakayan ng tricycle.

Hindi ko ba nasabing isa ito sa pinakamasayang birthday ko? I think I did and obviously, matagal tagal din ako bago nakamove on. Naalala ko pa nga yung sobrang thanks ko sa kaibigan ko kasi ininvite niya si crush. Tapos chinika ko pa sa bestfriend ko yung about kay loml at kay crush. So hindi naman sa sobrang saya pero sobrang saya ko nga that time.

Monday, April 4, 2016

Confession #5


Do you remember that story I created for Honey?

Because if you do then I have a confession to make.

Actually ako talaga yun.... at ikaw.

Friday, April 1, 2016

Real Feelings


I think I'm still in love with you.

No. I don't just think I do-

I'm still in love with you...



Damn it.