Friday, December 19, 2014
Him - Part 2
Enrollment namin nun nung nilapitan ako ng kaibigan ko na kasalukuyang girlfriend niya. Naalala ko yung sinabi niyang Sorry pati yung Hindi naman naming sinasadyang ilihim sayo eh at lalong-lalo na yung Makikipagbreak na ko sa kanya.
Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi naman niya kailangang gawin 'yun eh. Okay na lahat sa amin. Sa amin ng boyfriend niya. Since nung mga nakaraang araw bago mag-enrollment nakakapag-usap na kami, nagsorry siya, nagsorry din ako. Pero since alam niyang nagkagusto ako sa kanya, awkward pa rin kami. Ni hindi nga magtama yung mga tingin namin eh. Feeling ko lalamunin ako ng lupa kapag tumingin ako sa kanya. Pero balik sa kaibigan ko.
Tinanong ko siya kung bakit. Tiningnan niya lang ako at dun ko nakita na nagiguilty siya sa ginawa nila. Ngumiti nalang ako at niyakap siya. Sa totoo lang, okay na ko eh. Hindi na ko nagagalit sa kanila. Tanggap ko na rin na hindi niya ko magugustuhan since base sa mga chat / text messages namin nung magkaayos kami, halatang mahal na mahal na niya yung bestfriend ko. (Yung hindi ko lang matanggap ay yung tinatawag niya kong mommy since anak-anakan ko yung girlfriend niya at ex.)
Pagkatapos nun, nagmonthsary sila. Bumati pa nga ako e. Alam kong sobrang saya niya nun since nung break-up nila ng ex niya. Ayokong sirain yun kaya naging masaya nalang din ako para sa kanya, kahit na sa loob loob ko nun, nasasaktan ako. Gusto ko pa rin siya eh. At alam ko sa sarili kong hindi kaagad mawawala yun. Pero sa kabila ng kasiyahang nararamdaman niya, kaagad din palang mapapalitan ng lungkot.
A few days after their monthsary, my bestfriend broke up with him.
Ayan nanaman siya sa mga malulungkot na quotes niya sa gm niya. Ang alam ko nga rin, umiyak siya. Pero anong magagawa ko? Ni hindi ko nga masabing magkaibigan kami after ng mga nangyari. Nakaramdam nga rin ako ng guilt sa puso ko. Bakit? Kasi feeling ko, ako yung naging dahilan ng pag-bebreak nila. Dapat naging masaya ako kasi finally, single na siya. Pwedeng maging kami-- pero hindi, hindi ko naisip yun. Ayokong maging selfish kasi alam kong nasasaktan siya. At imposible ding mangyari yun. Dahil alam ko at alam ng isip ko na hindi niya ko magugustuhan. Never.
Ibang klase nga ako noon eh, kase napakamartir ko, napakatanga ko sa kanya. 'Yun bang kahit alam kong never niya kong magugustuhan, umaasa pa rin ako. 'Yun bang kahit na alam kong ginagamit niya lang ako para gawin 'to, gawin 'yan, masaya ako kapag nagkakausap o nagkakalapit kami. 'Yun bang kahit na alam kong wala talagang mangyayari, hindi ko pa rin siya magawang kalimutan?
Tanga na nga siguro ako para sa kanya that time. Pero wala akong magagawa, siya yung tinitibok ng puso ko eh. Hindi naman pwedeng pilitin ko yung puso kong magmahal ng iba kasi hindi ko kaya. Maybe, meron nga pero hindi rin nagtagal-- bumalik din ako sa kanya.
So yun, second year high school ng may makilala akong iba-- at naging close ko. Kuya yung tawag ko sa kanya since mas matanda naman siya saken ng ilang araw. (Fun Facts: Puro August birthday namin-- ako, siya at si kuya) Naging close kami to the point na naging crush ko siya. Well crush lang naman, hindi ko nga alam kung bakit masyado nilang dinidibdib yun at ayun, nagsimula sila sa pang-aasar. Alam ko naman sa sarili ko na siya pa rin yung gusto ko, pero nalaman niya din kaya wala akong nagawa kundi sabihin nalang sa kanya na Oo na, gusto ko nga siya.
Nagstart na siyang asarin ako, kaya ako naman nakiki-oo nalang. Kunwari sumasakay ako at kunwaring kinikilig. Medyo bumalik na rin kami sa dati pero hindi kagaya nung dati-- gets ba? Hahaha. K. I mean yung dati na nag-uusap kami, pero hindi kagaya nung dati na sobrang close kami. Matatawag ko ding close sa facebook pero awkward sa personal yung relasyon namin. Mahahalata mo din yun sa chat history namin-- siya yung pinakamadami kong chat messages hindi naman sa nagbibilang-- okay so, balik dun sa naging crush ko.
Hindi rin siya kagwapuhan-- hindi nga rin photogenic gaya niya, pero mabait. Ewan ko ba. Hindi ko rin maintindihan sarili ko kung paano ko nasabing crush ko siya. Basta yun, bigla nalang nangyari-- nakakatawa nga kasi nagawa kong (indirectly) umamin sa kanya. Tapos hindi ko na alam kung anong nangyari sa amin. Parang nawala na nga lang bigla sa ala-ala ko yung mga pinagsamahan namin eh. (Pero yung kanya hindi. Ha ha funneh talaga.)
Well, para saken, isa lang ibig sabihin nun. Isa lang si kuya sa mga supporting actor sa non-existent love story ko. Parang extra lang, dumaan lang ba.
Kasi para sa puso ko, siya pa rin talaga.
Siya lang at walang iba.
tbc.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
"Siya lang at walang iba" this. 👏👏👏
ReplyDelete