Saturday, December 13, 2014

Him - Part 1


I've been liking him since 2009. So kung titingnan, five years na simula ng magustuhan ko siya.


Hindi naman siya yung kagwapuhan, pero simple. Mabait siya at matulungin. Palakaibigan, babae ka man o lalaki. Siguro maappeal kaya maraming nagkakagusto.


First year kami nun nung una kaming nagkakilala. Hindi ko talaga siya kilala nun. Wala rin akong kaalam-alam na kaklase ko siya. Kasi new school year, new classmates. Bago lahat, well pwera nalang dun sa isa kong kaklase nung elementary na ka-section ko nitong first year highschool. But that's another story.


So yun nga, naging magkagrupo kami nun sa English subject namin. Nagkaroon kami ng mga group projects and group whatnots na hindi ko na matandaan. Punta sa bahay ng kaklase at kung saan-saan kami gumagawa. Doon ko din nalaman na manliligaw pala siya nung naging bagong kaibigan ko. Hindi naglaon, naging sila din. Ang sweet nga nila eh. Miski sa classroom. Lagi na rin siyang sumasama samin kahit saan kami magpunta. Tumagal yun ng isang buwan hanggang sa magbreak sila. 


Natatandaan ko pa nga nun, sobra talaga siyang nasaktan. Hindi niya lang pinapahalata pero pinapanuod ko siya. Sila ng kaibigan ko. Mahal pa rin nila ang isa't isa pero wala eh, wala na talaga. Dun kami naging close pero hindi para agawin siya sa kaibigan ko. Kundi para maging kaibigan niya, close friend kumbaga. Mas naging close ako sa kanya kaysa sa mga nauna kong kaibigan. Kinakausap niya din ako tungkol sa mga bagay-bagay pero mainly, tungkol sa kaibigan ko. Binibigyan ko siya ng advice tungkol sa naudlot nilang pag-iibigan. Dun na rin nagsimula yung one sided love ko para sa kanya. 


Hindi ko alam kung paano nag-start. Naramdaman ko nalang na parang nahuhulog ako sa kanya. Sinikreto ko yun at nagkunwaring kaibigan lang ang turing ko sa kanya. Patuloy pa rin kami nun sa pag-uwi ng hapon at kung minsan pa nga binibili ko siya at niya ako ng mangga. Naiiwan din kaming dalawa sa room--- like kaming dalawa lang. Minsan nga kaming inasar nun, pero wala. Friends lang kami.


Naging mas close pa kami habang tumatagal. Alam na rin ng mga kaibigan ko na gusto ko siya, pero okay lang daw, lalong lalo na yung kaibigan kong ex-girlfriend niya. (Na nagkaboyfriend ulit.) Hindi niya matanggap yun, sobra pa rin siyang nasasaktan. Hinahabol niya pa nga rin eh. Pero wala na, possessive din kasi yung naging boyfriend ng kaibigan ko. Muntik pa ngang magkasakitan. But that's another story.  


Nagpatuloy pa rin ako sa pagiging "close" friend niya. Pero unti unti nang natigil yung late na pag-uwi at pagpapaiwan namin sa room. Hindi ko alam kung bakit pero hinayaan ko nalang. 


2010 nung maranasan ko yung second heartbreak ko sa kanya. 


Tandang tanda ko pa yung araw kung kailan naging sila nung bestfriend ko. March 21, 2010. Naalala kong umiyak ako ng umiyak nun. Masakit eh. Pero hindi dahil sa naging sila ng bestfriend ko. Alam ko naman na nililigawan siya eh, kasi sinabi nung bestfriend ko saken. 


Yung pinakahindi ko lang talaga matanggap ay yung nilihim nila na sila na. Alam kong wala akong karapatang magalit kasi kaibigan lang naman ako eh. Pero masakit pa rin. Lalong lalo na kung alam mong sayo lang nila yun itinago. Yung alam na alam na ng lahat pero ikaw, nagmumukhang tanga kakaisip kung sila na nga ba o hindi pa. Tapos hindi lang pala ako yung pinaglihiman nila, miski rin yung ex niya. Sinabihan nila lahat ng kaclose namin na wag magsasalita tungkol sa relasyon nila. Kaya ayun nga yung nangyari. 


Pero nalaman ko din naman pagkalipas ng ilang araw. Sinabi saken nung kapatid-kapatid-an ko sa classroom. Sinabi niyang sila na nga nung bestfriend ko. At sinabi niya rin na ayaw nilang sabihin saken kasi alam nilang masasaktan ako.


MASASAKTAN WHAT? 


Dun ko nalaman na kaya pala umiiwas na siya nung mga nakaraang mga araw ay dahil alam na niya na gusto ko siya. Ni hindi na nga kami naiiwan na kaming dalawa nalang. Laging may kasama. Laging awkward at nagiging tense ang paligid. (There's this time na nagpasama ako sa kanya sa room since nasa lab kami at may pinapakuha si sir. For the first time, he rejected me. He looked at me like there's something he wanted to say but he didn't want to. Then umalis siya at pumasok sa lab. Sinundan ko nalang siya ng tingin and that's when I felt my heart crushed into pieces.) Kaya naiyak ako nung gabi. Umiyak ako ng umiyak hanggang sa napagdesisyunan kong i-text siya... for the last time. Hindi ko talaga maintindihan yung takbo ng utak ko noon. Ang tanging alam ko lang ay masakit. Kaya tinext ko siya at sinabi ko sa kanya lahat sa text. Lahat ng nararamdaman ko para sa kanya. Hindi naging maayos ang lahat. Naging awkward kami at doon nasira ang pagiging magkaibigan namin. 


tbc.


2 comments: