Saturday, September 10, 2016

Twentieth Year of my Life


August 29.

Ang araw kung kelan isinilang ako ng nanay ko sa mundong ito. Napaka-espesyal hindi ba? Hehe.

But kidding aside.

Birthday ko talaga nung time na 'to. And I can say that it became one of my best birthdays ever.

Like sino bang hindi matutuwa? Yung love of your life mo, present crush and bestfriend mo e kasama mo ng araw na yun. As in lahat sila pumunta ng birthday ko. Actually di talaga makakapunta yung bestfriend ko kung hindi dahil kay loml, (since classmate din naming dalawa yun nung highschool and naa-awkward-an siya dahil halos lahat hindi niya naging kaklase, kumbaga feeling op ba) kaya sobrang nagpapasalamat talaga ako kasi chinat niya talaga bestfriend ko para lang makapunta and buti nalang malapit lang bahay niya-- kumbaga sa kabilang side lang ng ilog. Sobra-sobrang napasaya niya- I mean nila ako.  Plus yung mga college best friends ko. Akalain mo bang iimbitahin din nila si crush? Though si bae talaga may pakana since hindi rin alam ng iba na may gusto ako dun. Di ko talaga ineexpect yun kaya sobrang nagulat ako. Pati puso ko that time nashook din e sa sobrang bilis ng tibok. Naaalala ko pa nga yung lamig ng pawis at kamay ko e. Hahaha.

Ang ingay nila grabe. Hahahahaha. Pero who cares, sobrang nag-enjoy naman ako kasama sila.

Kainan, tawanan, kwentuhan, selfie-selfie tas kain ulit. Though hindi kagaya nung dati na may karaoke pa (courtesy of him), masaya namang nagtapos ang araw ng birthday ko.

Habang naglalakad kami- well, sila papuntang sakayan, (sumama lang naman ako paghatid sa kanila), kasabayan namin siyang maglakad ng bestfriend ko since op nga siya sa iba. Yun nga lang tahimik siya at kami lang ng bestfriend ko ang nag-uusap.

Pagdating naman sa sakayan- well, una naming sinakay yung mga college friends ko since kabilang way sila. After nilang makasakay, naiwan kami ng bestfriend ko, si crush at siya. Awkward nga eh. Parehas kasing silang tahimik at walang kibo, well malamang si crush naman ang op since ako lang kilala niya (tho kakilala niya si loml dahil alam niya na siya ang gusto ko) samantalang kami ni bestfriend ay nag-uusap pa rin. Matagal-tagal na antayan din ng jeep. Tumawid lang sila nung may dumaan na jeep since ayon, maiiwan akong mag-isa.

Di naman sa magdadrama ako pero ayun nga, nalungkot ako nung nakita ko na silang sumakay ng jeep. Nagbabye pa nga ako sa kanila habang umaandar yung jeep hanggang sa lumayo na sila sa akin at dun na nga nagtapos ang masayang araw ko-- well, not really since pangiti ngiti pa rin ako habang naglalakad papuntang sakayan ng tricycle.

Hindi ko ba nasabing isa ito sa pinakamasayang birthday ko? I think I did and obviously, matagal tagal din ako bago nakamove on. Naalala ko pa nga yung sobrang thanks ko sa kaibigan ko kasi ininvite niya si crush. Tapos chinika ko pa sa bestfriend ko yung about kay loml at kay crush. So hindi naman sa sobrang saya pero sobrang saya ko nga that time.