Simula nung magsecond year ako, natuto na rin ako sa kanya. Natuto na ako kung paano ko itatago yung nararamdaman ko ng walang makakahalata. Wala ring nakakaalam na mga kaibigan ko na gusto ko pa rin siya, sa takot na baka kumalat ulit at iwasan niya ako. Umabot yun hanggang third year. Nanatiling lihim ang lahat-lahat sa sarili ko. Cellphone ko lang yung kadalasan na kausap ko nung time na yun, nagsusulat ako ng kung anu-ano sa memo tapos ila-lock ko, kasi ang hirap eh. Yung feeling na hindi mo maintindihan kung mahal mo pa rin ba siya o pinapaniwala ko lang yung sarili ko na mahal ko siya kasi siya lang yung lalaking nakakuha ng atensyon ko? Ewan. Naguguluhan ako.
Basta yun, tinry ko nalang iignore yung nararamdaman ko.
Nagbalik naman sa dati yung pagkakaibigan namin, medyo awkward pa din pero pinipilit kong hindi ipahalata. Ayoko kasi ng ganun... feeling ko, iiwas siya kapag pinaramdam ko na awkward ako.
Naging madali naman para sa aking itago yung nararamdaman ko ng magsimula silang asarin nung isang kaibigan ko. May gusto rin sa kanya yun-- simula 1st year din. Nakwento pa nga niya sa akin na hanggang tingin lang siya dati, pero ngayon.. But that's another story.
Sa totoo lang simula talaga nung magsecond year kami, madami nang
(Ang alam ko pa, nagkagirlfriend ulit siya after nung bestfriend ko. Pero wala akong masyadong alam sa kanila-- second year ata? Ewan. Nagbreak din eh. Ayun, brokenhearted nanaman siya at hindi nakamove-on hanggang mag-fourth year. Though.. may isang moment sila na hindi ko makakalimutan. Kiss. Sa classroom ng i-lock sila nung mga kaibigan nila. Ouch.)
Wala naman kaming moments nung third year hanggang sa mag-fourth year. May sariling barkada kasi siya at syempre, ako rin. Ayoko namang lumapit sa kanya kasi nahihiya ako. Pero kapag kinakausap niya ko, sumasagot naman ako.
Ang natatandaan ko lang, hanggang tingin lang ako sa kanya sa malayuan. Minamasdan siya at ang lahat ng ginagawa niya. Walang sinuman ang nakakaalam nun kundi ako lang. Nahihirapan na kong magtiwala eh. At saka ayoko at takot na rin akong maulit yung mga pangyayari nung first year.
So yun nga, lumipas yung mga araw na walang nangyayaring special. Special = pangyayari sa aming dalawa. Kuntento na rin ako dun, since palagi naman kaming magkaklase. (Though naiinis ako minsan, kasi nahihirapan ako kalimutan siya dahil dun.) Naging close kami-- yun nga lang hindi sa personal kundi sa fb.
Naaalala ko pa ngang palagi kaming magkachat simula gabi hanggang madaling araw. Kung anu-ano pinag-uusapan namin, minsan nagsesend siya ng mukha niya, minsan nagsesend siya ng mga kantang gusto niya, minsan naman tungkol sa assignments namin na parehas kaming tinatamad gawin. Hanggang madaling araw kaming mag-uusap tungkol dun. Gagawa siya tapos kapag natapos siya, isesend niya saken. Never nga ata akong nagsend pabalik sa kanya. Minsan, tutulungan niya ko lalo na kapag nahihirapan ako, minsan naman sasabihan niya ko ng goodluck tapos matutulog na siya kasi sobrang inaantok na siya tapos maaga pa kaming gigising. Kinabukasan, hahanapin ko siya tas yun, late nanaman siya. Iiwas ako ng tingin pagdating niya kasi baka mahuli niya ko, tapos yun, mag-uusap lang kami kapag kailangan o kaya kapag una niya kong kinausap.
Palaging ganun ang set-up. Minsan nakakasawa, minsan nakakasanay nalang. Wala eh. Hanggang ganun lang kami. Hanggang ganun lang din ang kaya ko. Wala akong lakas ng loob.
Masakit man, pero kailangan kong kayanin at tanggapin.
Mahal ko siya eh.
tbc.