Sunday, October 25, 2015
Overnight with Him
Hindi talaga ako dapat kasama sa overnight na 'to, pero dahil napilit ako ng kaibigan ko na sumama at dahil dalawa lang rin silang babae over seven guys edi naki-go na rin ako.
Kinabukasan, araw ng overnight, sabado yun... at may kalyeserye. Hindi ko naman akalain aabutin yun ng 3pm (napag-usapan namin ng kaibigan ko ay 2pm magkikita) kaya almost 4 na nasa bahay pa rin ako. Umalis din yung nanay ko nun, may laro sila kaya hindi ako nakapagtext sa kanya na paalis palang ako (wala akong phone sadly). Akala ko maiiwan na ako at hindi makakasama pero nag-online siya bigla at chinat ako. Dun ko nalaman na susunod nalang siya sa bahay ng kaibigan ko although my idea na ko beforehand, kaya sinabihan niya ko na kung pwede ay sabay nalang kami. Nung time na yun ay tarantang taranta pa ko kung paano ko sasabihan yung kaibigan ko na antayin ako since wala nga akong pantext nun. Hanggang sa... nakitext ako sa kaklase namin dati na thankfully may load naman. Dun ko na rin sinabi na sasabay na ko sa kanya- at sabay na kami pupunta since malapit lang naman siya samin.
Yada yada....
Una akong nakarating sa meeting place namin. Sobrang traffic at punuan ang mga sasakyan. Buti nalang talaga at may nakita kaming jeep na may space pa at doon kami sumakay. Pinasakay niya muna ako (sabi niya sasabit nalang siya kapag wala ng space) e meron space pa sa harapan ko at sa tabi ko. Nagulat ako nung pinili niyang sumiksik sa tabi ko though maliit lang yung space. Feeling ko nga nagblush ako nung time na yun eh. Pero feeling lang. Medyo awkward din pero nag-uusap kami tungkol sa kung anu-ano lang tapos yun.
(Hindi ko na sasabihin yung mga pasimpling titig ko sa kanya. Nope. Nevermind. Wag na yun.)
Nakarating naman kami sa bababaan ng matiwasay. Pero syempre, first time kong pumunta sa bahay ng kaibigan ko na yun (well kasama siya) ng ako lang yung nag-iisip kung saan sasakay o kung anong sasakyan. Medyo natakot pa nga ako eh kasi hindi ko nakilala nung umpisa yung binabaan namin pero naging pamilyar naman at nakasakay ulit kami ng jeep ng walang problema. Pero habang tumatagal nababalisa ako. Di ako mapakali kasi natatakot akong maligaw o magkamali ng bababaan. So lagi akong nakatingin sa labas ng bintana. Muntik pa nga kaming bumaba sa hindi naman dapat babaan eh. Buti nalang talaga.
After 123456789 years, nakarating naman kami ng maayos at walang ligaw ligaw. Isa nalang, ang sakayan ng tricycle. Nakakatawa nga e, kailangan pa naming tumawag para lang mahanap yun- pero nakita naman namin at sumakay na kami. And yes, magkatabi ulit kami sa loob kahit na pwede naman siya sa likod.
Sinalubong kami nung kaibigan kong may-ari ng bahay at after nun, nagstart na silang magtrabaho. I mean gumawa ng project nila samantalang ako, busy manuod ulit ng "Unfriended" kasama yung kaibigan kong namilit sa aking sumama.
Sabit lang talaga ako nung time na yun kaya yun, kung ano ano lang yung pinaggagagawa ko. Nanunuod. Nakakikipagdaldalan. Naglalaro. At ewan ko na. Di ko na matandaan.
Wala naman talaga special na nangyari nung araw na yun bukod sa nagkasabay kaming pumunta. Hanggang sa magmadaling araw na at wala na talaga akong magandang gagawin kaya nagpasya nalang ako na matulog. Paputol putol yung tulog ko kaya kada gising ko titingin ako sa paligid or titingnan kung sino yung katabi ko. Kaya naman nagulat ako nung nakatabi ko siya. Well, magkabaliktaran kami pero yun lang yun, saka malayo din siya. Antok na antok pa ko nun kaya natulog ulit ako.
Kinabukasan, nagpasya akong magvolunteer magluto.... ng itlog. Syempre, madami kami kaya madami dami rin yun. Naghanap nga rin ako ng makakatulong eh. At nagvolunteer siya. Kaya naman ako yung naglagay ng mga pampalasa sa itlog at siya yung nagprito. Sobrang init nga nun eh since nasa kusina kami at walang electric fan pagkatapos kasama ko pa siya kaya yun, pawis na pawis ako everytime lalabas ako ng kusina. Pero at last natapos din at ayun, medyo fail since medyo kulang yung nalagay ko na asin. First time ko kasing gumawa nun para sa madaming tao, sorry na.
Ano pa bang nangyari? Ayun, wala na rin naman masyado. Nanood kami ng mga nakakatawang videos hanggang sa magpasya sila na umuwi na. Naligo na kami ng by pair nun since may banyo for shower at my banyo for the toilet. Huli siyang naligo and nagulat pa nga ako nung hiramin niya yung twalya ko. But since I'm a good friend I lent it to him although medyo nakakahiya since nagamit ko na.
Sabay din kaming umuwi nun, yun nga lang may dalawa pa kaming kaklase na kasabay. Pero magkatabi kami so nagkachance nanaman akong panuorin siyang matulog. Though silip silip lang. Hanggang sa gisingin ko siya parang magpaalam kasi bababa na ako ng jeep. Nagbababye na rin ako sa iba kong kaklase at bumaba na ko.
And that ends my very first (I mean second since nagovernight na rin kami nung highschool) overnight with him.
Wednesday, June 10, 2015
First Day of Classes (with Him)
First day of classes. And finally, we're all third year students!
Dapat nga ba akong magsaya? Ewan ko din eh. Pero sabi nila, oo daw. Kasi ngayong semester ay kaklase ko siya.
Si Mr. Left.
Nakakainis nga at hindi ako mapakali ng mga ilang araw bago magpasukan. Kasi iniisip ko kung anong mangyayari kapag nakasama ko siya, naging kaklase ko siya. Awkward nga kasi akong kausap siya at awkward din akong lumapit sa kanya. Trying hard lang naman ako eh. Para hindi halata.
So yun, nalate pa ko nung first day. Badtrip kasi yung mga may-ari ng mga kotse ng mga nag-aaral sa La Salle, Greenhills eh, but that's another story.
Ang iniimagine ko talaga habang papalapit ako sa school namin ay malelate ako tapos pagbukas ko ng pinto ng room namin, nakaupo na siya. O di kaya, magkakasabay kami kasi parehas kaming late. Pero hindi eh, hindi siya pumasok ng 1st at 2nd subject dahil sa basketball.
Paano ko nalaman?
Nagkakatext kasi kami. Pero yun lang yun. Tapos pagdating niya pa, ibang babae yung katabi niya. Hays, ewan. Kunwari nalang wala akong nakikita.
Pagkatapos... ewan ko na. Tinamad na ko dahil wala yung prof. namin kaya niyaya ko na yung mga kaibigan kong umuwi.
Nakasabay pa nga namin sa pagbaba eh. Pero syempre ako, dedma lang. Wala naman akong sasabihin eh. Kaya nauna na siya. At ako naman naiwan para pagmasdan yung likod niya hanggang sa palayo na siya ng palayo sa akin.
Wednesday, April 22, 2015
Summer with Him
Paano ko nga ba to uumpisahan? Uh.
Hindi ko talaga sure nung una kung sasama ako. Kasi bukod sa tinatamad ako, hindi rin sasama yung bestfriend ko. Balak ko lang talagang magstay sa bahay nung buong araw ng April 10, kaso yun chinat niya ko.
"sasama kang swimming?"
Kaya yun tinanong ko kung sinu-sinong kasama, kung anong place, kung paano pupunta dun at kung anu-ano pa. Hindi naman sa curious, gusto ko lang talagang tanungin siya.
"Bukas na di ba? Hahahaha parang gusto kong sumama na ayaw ko bwahaha"
"Yeaaah bukas agad. Sama ka na plith hahahaha pasado ka naman dfs ee "
Tas yun. Yan lang napapayag niya na ko. Ewan ko ba. Lakas talaga nito saken eh.
Kinabukasan- nagkita kita kami. Sayang nga lang hindi siya kasama sa mga nagcommute dahil hinatid sila nung kotse ng tatay ng isa pang kaklase namin. Badtrip nga eh. Kala ko pa naman pagkakataon na namin yun na magkatabi sa bus pero hindi, joke lang lahat. Nakarating naman kami sa resort. Nagkaroon ng ilang problema pero nakapasok naman kami sa loob. (Ikekwento ko rin ba yung tawanan namin sa labas ng resort saka yung moment na nakaupo siya malapit saken? Yung nilabas niya lahat ng pera niya na puro barya para madagdag sa ambagan. Yung nagbigay siya ng butal para masabing may naambag siya. De wag na yun, di niyo maiintindihan. Pero one of the moments though.)
So yun nauna silang tumalon ng pool sa sobrang excited. Ay hindi nagslide pala sila. Nagswimming kami ng ilang oras pagkatapos nun umahon kami para kumain. Dun ako pumwesto sa may dulong part tapos nagcellphone habang nag-aantay ng pagkain. Di ko namalayan nung una na sa tabi ko pala siya umupo. Hindi ko alam yung mararamdaman ko nung time na yun pero kunwari nalang may tinitingnan ako sa cellphone ko habang binibigay nung kaibigan namin yung kanin. Yung kanin na maghahati kaming tatlo. (Nadisappoint nga ko eh, kala ko kaming dalawa lang lol) Pinauna niya muna kaming kumuha tapos yung matitira sa kanya. Pagkatapos ibigay yung mga kanin at ulam, nagsimula na kaming kumain.
Alam mo yung feeling na hindi ka makakain ng maayos kasi katabi mo yung taong nagpapabilis ng tibok ng puso mo? Ang hirap nung time na yun lalo pa't nagkakadikit yung mga hita at tuhod namin, miski yung mga braso namin habang kumakain. Sinubukan ko na nga lang balewalain yun para matapos ko yung kinakain ko. Binagalan ko na rin ng konti para syempre hindi ako kaagad umalis sa pwesto ko. Minsan lang yun noh. Pagkatapos nun nagbalik na lahat sa pagsiswimming.
Mga ilang oras ulit yung nakalipas, umahon ulit ako. Ichecheck ko lang dapat sila, kaso yun nagopen pala sila ng emperador. Eto naman ako nakitikim. Pangatlo ko na nun tas nagsabi na rin ako sa kanila na last ko na. Kumukuha ako ng tubig nun nung dumating siya. Pagkuha ko dun sa baso na may alak biglang dumami, yun pala dinagdagan nung kaklase ko. Ayoko namang inumin lahat kasi baka mahilo ako kaya yun, nagpresent siya na iinumin niya daw yung kalahati.
Ako naman umoo at binigay sa kanya yung baso. Bakit ako tatanggi? Siya na nga nagpresenta eh. Pero sa loob loob ko nun, magkakaindirect kiss kami. Pero hindi ako uminom dun sa ininuman niya. Ayoko namang magmukhang desperada sa kanya (pero inrl desperate talaga o n o)
Naalala kong bumalik ako sa pool after nun. Ang init ng mukha ko kaya naupo muna ako sa tabi. (Tutulak niya nga dapat ako sa pool eh, pero lol as if kaya niya ko) Then yun, nagyaya siyang pumunta sa kabilang side kung saan may kiddie pool. Sumama yung bestfriend ko kaya sumama na rin ako. In the end, kaming tatlo lang yung pumunta.
Naglaro kaming tatlo dun kahit sobrang baba lang nung pool at kahit na puro bata lang yung naglalaro. Meron doon na swing, may slide din, may monkey bars at mga lusutan. Buti nga at sumama yung bestfriend ko kundi ewan siguro sobrang awkward namin kung nagkataon. Never kaming nagsama na kaming dalawa lang. Hindi ko rin alam kung kakayanin ko. Nagtagal kami dun ng ilang minuto bago kami bumalik sa cottage.
Nagpalipat lipat din kami ng pool na pinagsiswimming-an. Meron dun sa mataas na part kung saan may parang talon. Nagstay kami pansamantala dun bago sila nagyaya. Meron pang isang pool dun na may slide din. Dali dali silang pumunta dun at nagslide pero bago yun, tinawag niya muna ko at pinahawak yung dala niyang twalya. Hindi naman kasi ako magi-slide. Di bale nalang. Naupo lang ako sa swing habang hawak yung twalya niya na pinang-cover ko sa braso ko. Lumalamig kasi nung time na yun, sayang naman kung hindi ko gagamitin di ba? (Heh.) Pagkatapos nun, nagsawa na sila at bumalik na rin ulit kami sa cottage.
Lalong lumamig dun sa place. I think mga 12 na ata nun nung nagstart akong lamigin. Nag-ikot ikot kami nung kaklase ko since parehas kaming ayaw bumalik ng pool. Hinanap din namin yung mga kaklase namin then yun, nagsiswimming pa rin pala sila at nag-i-slide. Hindi naman kami nakiswimming at naupo lang sa gilid. Lumapit sila sa amin para magyaya. Not until may nakita kaming maliit na pool doon na kakaalis lang nung nag-iisang tao. Dun kami lumublob and thankfully hindi malamig yung tubig.
Nagkwentuhan kami dun ng kung anu-ano hanggang sa umalis yung tatlong lalaki, kasama yung bestfriend ko at naiwan kaming tatlong babae na nagkekwentuhan. (Napunta nga sa menstruation at boobs ang usapan. Hahahahahaha) Niyaya nila ulit kaming magswimming dun sa malaking part pero tumanggi yung isang kaibigan ko (yung nilalamig kagaya ko) kaya kaming dalawa nalang nung isang kaklase namin yung lumipat. Nagyaya siya ng taya-tayaan. Hindi nga dapat ako sasali eh, kaso sinabihan ba naman akong kj? Edi yun siya yung taya at pinalayo niya muna kami bago siya nangtaya.
Hindi naman nagtagal yun at nagsawa din kami. Nagyaya naman yung bestfriend ko ng lusut-lusutan. (Yung lulusot sila sa pagitan ng legs mo sa ilalim ng tubig). Yun nga hile-hilera silang tatlo (sa dulo siya) nung turn ko na. Kabadong kabado ako nung time na yun at hindi ko alam kung bakit. Nung natapos na ko sa pangalawa saka ako nawalan ng hangin kaya nagswimming na ko pataas. Hindi ako nakaabot sa kanya unfortunately. Tas nung pag-ahon ko pa, tinawanan ako ng tinawanan. Hays. Pero ayos lang, at least masaya siya.
Yung sunod naman naming ginawa ay yung magkakahawak kamay kaming apat (Ako, bestfriend ko, siya at yung isa pa naming kaklase) habang umiikot. Hindi ko rin gets kaya yun nakikiikot nalang ako. Natatawa nga ako kasi ang bagal nung ikot namin, may nahuhuli ba. Tapos yun nagsuggest siya na magpalit daw kami nung kaklase ko. So bale ako, siya, bestfriend ko at yung kaklase pa namin-- and yes magkaholding hands kami sa ilalim ng pool.
Pero hindi ako kinikilig.
Sobrang kinikilig lang.
Though deep inside lang yun.
Natapos naman ulit sa tawanan yung laro namin hanggang sa nagyaya na yung nilalamig kong kaibigan na umahon na. In the end, bumalik na kami sa cottage at nagyaya na rin akong maligo na kami since 3am na nun. I think nagswimming pa ulit sila then nung natapos na kaming maligo saka sila umahon. Sakin pa nga siya naghiram nung sabon eh. Naghanap naman kami nung kaibigan ko ng matutulugan nun since antok na antok na talaga kami. Buti nalang walang tao dun sa mga picnic tables na nandudoon at dun nalang namin pinasyang matulog. Nakatulog naman kami kaagad hanggang sa may gumising saken.
Siya.
Hindi ko naintindihan yung sinabi niya nung una pero inulit niya. Pinapalipat na niya kami dun sa nilipatan nilang cottage since may tulugan sa taas na part. Naaalala kong blue na yung langit nun. Nakaupo siya sa lamesa kung saan nakapatong yung braso ko at nakatalikod saken. Wala pa ko sa sarili ko nun kaya nag-unat lang ako at natulog ulit. (Nagsisisi nga ako kung ba't hindi ako gumising. Nagkausap pa siguro kami nun. Tapos sabay kaming bumalik sa cottage.)
Nagising nalang ulit ako ng maliwanag na. At ayun, group picture hanggang sa umalis na kami ng resort. Nilakad nga naman hanggang simbahan ng antipolo eh. Pero hindi ako magcocomplain. Morning walk yun (at nasa likod ko lang siya habang naglalakad kami).
Akala ko magkakatabi kami sa jeep, pero hindi, akala lang pala. Nakakatuwa nga eh, bagsak silang lahat. Miski siya antok na antok. Ako naman hindi makatulog kaya yun, pinagmasdan ko nalang siya habang natutulog. Ang creepy ko noh? Pero ganun eh. Nilulubos lubos ko lang kasi may hangganan ang lahat. (Hahahahahaha)
Ako pinakaunang bumaba sa kanila. Hindi na nga ako nakapagbabay kasi nahihiya ako. Pero yun nga, tiningnan ko nalang yung jeep nila hanggang sa makalayo at umuwi na rin ako.

Hindi man yun yung expected kong outing namin, masaya ako kasi kahit na ganun lang yung mga nangyari, may panibago nanaman akong maidadagdag sa mga memories ko kasama siya.
Friday, April 3, 2015
Confession #4
Never din akong nagkagusto kay F since ikaw pa rin yung mahal ko. Alam ko namang alam mo yun eh, sadyang nagmamanhid-manhidan ka lang.
Kapag inaasar mo ko sa kanya, sumasakit yung dibdib ko. Feeling ko kasi gusto mo na talaga akong mawala sa buhay mo.
Ayaw mo bang may gusto ako sayo?
Pinilit ko naman eh.
Kaso nga lang, fail.
Ba't kasi ang bait mo saken?
Lalo tuloy nahuhulog yung puso ko ng hindi ko namamalayan.
Confession #3
Nung mga panahong naiiwan tayo sa room ng tayong dalawa lang. Nag-uusap ng kung anu-ano tungkol sa isa't isa...
Nung time na yun, dun na ko nahuhulog sayo.
Hindi ko naman talaga ginusto yun kasi close friend kita.
May tiwala ka saken nun kaya ayaw kong masira.
Pero mahirap pigilan eh.
Nahulog ako sayo ng hindi umaasang sasaluhin mo ko.
Confession #2
Never akong nagkagusto kay R kasi ikaw ang gusto ko.
Ayokong malaman mo na nahuhulog na ko sayo kaya sinabi kong siya yung gusto ko.
Nagsinungaling ako kasi yun ang tama.
Tingnan mo nung nalaman mong mahal kita...
Iniwasan mo ko di ba?
Monday, March 30, 2015
Him - Part 3
Simula nung magsecond year ako, natuto na rin ako sa kanya. Natuto na ako kung paano ko itatago yung nararamdaman ko ng walang makakahalata. Wala ring nakakaalam na mga kaibigan ko na gusto ko pa rin siya, sa takot na baka kumalat ulit at iwasan niya ako. Umabot yun hanggang third year. Nanatiling lihim ang lahat-lahat sa sarili ko. Cellphone ko lang yung kadalasan na kausap ko nung time na yun, nagsusulat ako ng kung anu-ano sa memo tapos ila-lock ko, kasi ang hirap eh. Yung feeling na hindi mo maintindihan kung mahal mo pa rin ba siya o pinapaniwala ko lang yung sarili ko na mahal ko siya kasi siya lang yung lalaking nakakuha ng atensyon ko? Ewan. Naguguluhan ako.
Basta yun, tinry ko nalang iignore yung nararamdaman ko.
Nagbalik naman sa dati yung pagkakaibigan namin, medyo awkward pa din pero pinipilit kong hindi ipahalata. Ayoko kasi ng ganun... feeling ko, iiwas siya kapag pinaramdam ko na awkward ako.
Naging madali naman para sa aking itago yung nararamdaman ko ng magsimula silang asarin nung isang kaibigan ko. May gusto rin sa kanya yun-- simula 1st year din. Nakwento pa nga niya sa akin na hanggang tingin lang siya dati, pero ngayon.. But that's another story.
Sa totoo lang simula talaga nung magsecond year kami, madami nang
(Ang alam ko pa, nagkagirlfriend ulit siya after nung bestfriend ko. Pero wala akong masyadong alam sa kanila-- second year ata? Ewan. Nagbreak din eh. Ayun, brokenhearted nanaman siya at hindi nakamove-on hanggang mag-fourth year. Though.. may isang moment sila na hindi ko makakalimutan. Kiss. Sa classroom ng i-lock sila nung mga kaibigan nila. Ouch.)
Wala naman kaming moments nung third year hanggang sa mag-fourth year. May sariling barkada kasi siya at syempre, ako rin. Ayoko namang lumapit sa kanya kasi nahihiya ako. Pero kapag kinakausap niya ko, sumasagot naman ako.
Ang natatandaan ko lang, hanggang tingin lang ako sa kanya sa malayuan. Minamasdan siya at ang lahat ng ginagawa niya. Walang sinuman ang nakakaalam nun kundi ako lang. Nahihirapan na kong magtiwala eh. At saka ayoko at takot na rin akong maulit yung mga pangyayari nung first year.
So yun nga, lumipas yung mga araw na walang nangyayaring special. Special = pangyayari sa aming dalawa. Kuntento na rin ako dun, since palagi naman kaming magkaklase. (Though naiinis ako minsan, kasi nahihirapan ako kalimutan siya dahil dun.) Naging close kami-- yun nga lang hindi sa personal kundi sa fb.
Naaalala ko pa ngang palagi kaming magkachat simula gabi hanggang madaling araw. Kung anu-ano pinag-uusapan namin, minsan nagsesend siya ng mukha niya, minsan nagsesend siya ng mga kantang gusto niya, minsan naman tungkol sa assignments namin na parehas kaming tinatamad gawin. Hanggang madaling araw kaming mag-uusap tungkol dun. Gagawa siya tapos kapag natapos siya, isesend niya saken. Never nga ata akong nagsend pabalik sa kanya. Minsan, tutulungan niya ko lalo na kapag nahihirapan ako, minsan naman sasabihan niya ko ng goodluck tapos matutulog na siya kasi sobrang inaantok na siya tapos maaga pa kaming gigising. Kinabukasan, hahanapin ko siya tas yun, late nanaman siya. Iiwas ako ng tingin pagdating niya kasi baka mahuli niya ko, tapos yun, mag-uusap lang kami kapag kailangan o kaya kapag una niya kong kinausap.
Palaging ganun ang set-up. Minsan nakakasawa, minsan nakakasanay nalang. Wala eh. Hanggang ganun lang kami. Hanggang ganun lang din ang kaya ko. Wala akong lakas ng loob.
Masakit man, pero kailangan kong kayanin at tanggapin.
Mahal ko siya eh.
tbc.
Saturday, March 21, 2015
Confession #1
It's not you.
It's R.
Nung tinanong mo ko nung time na yun kung sino ba yung "03" ko sa "mhine_o03" ko dati.
"August 3 ba yun o B3?"
Hindi ako nagsisinungaling.
It's B3 (boy number 3).
Ni hindi ko nga alam yung birthday mo dati eh. Pero nakakatawa noh? Araw pala ng birthday mo yun. Mas lalo tuloy siyang naging special.
Subscribe to:
Posts (Atom)